MAHIGIT ₱500,000.00, IPINAGKALOOB SA MGA CAMNORTEÑONG MEDICAL STUDENTS SA ILALIM NG PROGRAMANG CNMSFAP

Isa sa mga pangunahing sektor at pinagtutuunan ng pansin ng Padilla-Ascutia Administration ay ang sektor ng edukasyon. Sinisiguro ng kasalukuyang pamahalaan, na ang mga kasalukuyang tumatakbo at nagpapatuloy na mga programa’t inisyatibo ay patuloy na nasusuportahan at nabibigyan ng atensyon.
Kaugnay nito, isinagawa nitong nakaraang ika-19 ng Pebrero, 2025 sa Legazpi City, Albay ang pamamahagi ng Scholarship Grant sa ilalim ng programang Camarines Norte Medical Students Financial Assistance Program (CNMSFAP) sa walong (8) Camnorteñong Medical Students sa Bicol University College of Medicine (BUCM).

Ang pamamahagi ng grant ay pinangunahan ni Ms. Christabell Angelica “Diday” Abaño na pinuno ng Community Affairs Office (CAO) katuwang sina Dr. Sarah Marie P. Aviado – Provincial Information Office at Ms. Anica Padilla – Special Assistant to the Governor at kinatawan din Ama ng Lalawigan Gov. Dong Padilla.
Maaasahang ang pagsusulong ng mga katulad na programa ay magpapatuloy at walang-patid na susuportahan nina Governor Dong Padilla, Vice Governor Joseph Ascutia at Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte.
Share the Post:

Related Posts